Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 26 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 26 sa 109 • Tagalog


لِلَّذِينَ أَحْسَنُوا الْحُسْنَىٰ وَزِيَادَةٌ ۖ وَلَا يَرْهَقُ وُجُوهَهُمْ قَتَرٌ وَلَا ذِلَّةٌ ۚ أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَنَّةِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ 26
Pagsasalin:
Ukol sa mga gumawa ng maganda ang pinakamaganda at isang karagdagan [na pagtingin sa mukha ni Allāh]. Walang lulukob sa mga mukha nila na mga alikabok ni isang kaabahan. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso. Sila ay doon mga mananatili. Yūnus 10:26
Tafsīr:
Ukol sa mga gumawa ng maganda sa pagsasagawa sa isinatungkulin ni Allāh sa kanila na mga pagtalima at pag-iwan sa ipinagbawal Niya sa kanila na mga pagsuway ay ang gantimpalang pinakamaganda, ang Paraiso. May ukol din sa kanila na isang karagdagan doon: ang pagtingin sa marangal na mukha ni Allāh. Walang tatakip sa mga mukha nila na alikabok at walang tatakip sa mga ito na isang pagkahamak at isang kahihiyan. Ang mga nailalarawang iyon sa paggawa ng maganda ay ang mga maninirahan sa Paraiso. Sila ay doon mga mamamalagi.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 25 Susunod Yūnus • Talata 27