Sabihin mo: “Mayroon kaya sa mga pantambal ninyo na nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito?” Sabihin mo: “Si Allāh ay nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito. Kaya paanong nalilinlang kayo?” Yūnus 10:34 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Kabilang kaya sa gitna ng mga pantambal ninyo na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ang nagpapaumpisa ng paglikha nang walang pagkakatulad na nauna, pagkatapos magbubuhay Siya nito matapos ng kamatayan nito?" Sabihin mo sa kanila: "Si Allāh ay nagpapaumpisa ng paglikha nang walang pagkakatulad na nauna, pagkatapos magbubuhay Siya nito matapos ng kamatayan nito. Kaya papaano kayong nalilihis, O mga tagapagtambal, palayo sa katotohanan patungo sa kabulaanan?"