Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 42 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 42 sa 109 • Tagalog


وَمِنْهُمْ مَنْ يَسْتَمِعُونَ إِلَيْكَ ۚ أَفَأَنْتَ تُسْمِعُ الصُّمَّ وَلَوْ كَانُوا لَا يَعْقِلُونَ 42
Pagsasalin:
Mayroon sa kanila na mga nakikinig sa iyo, ngunit ikaw ba ay nagpapakinig sa mga bingi kahit pa man sila ay hindi nakapag-uunawa? Yūnus 10:42
Tafsīr:
Kabilang sa mga tagapagtambal ang nakikinig sa iyo, O Sugo, kapag bumigkas ka ng Qur'ān, ayon sa pakikinig na hindi nakaugnay sa pagtanggap at pagpapasakop. Ngunit ikaw ba ay nakakakaya sa pagpapakinig sa sinumang inalisan ng pandinig? Kaya sa gayon hindi ka nakakakaya sa pagpapatnubay sa mga nabinging ito sa pakikinig sa katotohanan sapagkat hindi sila nakapag-uunawa nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 41 Susunod Yūnus • Talata 43