Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 49 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 49 sa 109 • Tagalog


قُلْ لَا أَمْلِكُ لِنَفْسِي ضَرًّا وَلَا نَفْعًا إِلَّا مَا شَاءَ اللَّهُ ۗ لِكُلِّ أُمَّةٍ أَجَلٌ ۚ إِذَا جَاءَ أَجَلُهُمْ فَلَا يَسْتَأْخِرُونَ سَاعَةً ۖ وَلَا يَسْتَقْدِمُونَ 49
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Hindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng isang pinsala ni isang pakinabang maliban sa niloob ni Allāh. Para sa bawat kalipunan ay may taning. Kapag dumating ang taning nila ay hindi sila makapagpapaantala ng isang sandali at hindi sila makapagpapauna.” Yūnus 10:49
Tafsīr:
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng isang pinsalang ipamiminsala ko rito o ipantatanggol ko rito ni isang pakinabang na ipakikinabang ko rito, kaya papaano na sa pagpapakinabang ng iba sa akin o pamiminsala rito, maliban sa niloob ni Allāh mula roon. Kaya papaanong ukol sa akin na makaalam ako sa Lingid Niya? Para sa bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunang nagbanta si Allāh dito ng isang kapahamakan ay may panahong itinakda para sa kapahamakan nito, na walang nakaaalam niyon kundi si Allāh. Kaya kapag dumating ang panahon ng kapahamakan nito ay hindi mahuhuli ito ng anumang oras at hindi mauuna."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 48 Susunod Yūnus • Talata 50