Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 5 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 5 sa 109 • Tagalog


هُوَ الَّذِي جَعَلَ الشَّمْسَ ضِيَاءً وَالْقَمَرَ نُورًا وَقَدَّرَهُ مَنَازِلَ لِتَعْلَمُوا عَدَدَ السِّنِينَ وَالْحِسَابَ ۚ مَا خَلَقَ اللَّهُ ذَٰلِكَ إِلَّا بِالْحَقِّ ۚ يُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ 5
Pagsasalin:
Siya ang gumawa sa araw bilang tanglaw at sa buwan bilang liwanag at nagtakda rito ng mga yugto upang malaman ninyo ang bilang ng mga taon at ang pagtutuos. Hindi lumikha si Allāh niyon kundi ayon sa katotohanan. Nagdedetalye Siya ng mga tanda para sa mga taong umaalam. Yūnus 10:5
Tafsīr:
Siya ang gumawa sa araw na sumisinag ng tanglaw at nagkakalat nito at gumawa sa buwan bilang liwanag na ipinanliliwanag. Nagtakda Siya sa pag-inog ng buwan ng bilang ng mga yugto nito na dalawampu't walo. Ang yugto ay ang distansiyang tinatahak nito sa bawat araw at gabi. [Ito ay] upang malaman ninyo, O mga tao, sa pamamagitan ng araw ang bilang ng mga araw at sa pamamagitan ng buwan ang bilang ng mga buwan at mga taon. Hindi lumikha si Allāh ng mga langit at lupa at ng anumang nasa pagitan ng mga ito kundi ayon sa katotohanan upang lumitaw ang kakayahan Niya at ang kadakilaan Niya sa mga tao. Naglilinaw si Allāh nitong mga patunay na maliwanag at mga patotoong hayag sa kaisahan Niya para sa mga taong umaalam sa pagpapatunay roon sa pamamagitan ng mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 4 Susunod Yūnus • Talata 6