Pagkatapos ba kapag naganap ito ay mananampalataya kayo rito? Ngayon ba, samantalang kayo nga dati rito ay nagmamadali?” Yūnus 10:51 ⧉
Tafsīr:
Matapos ba na maganap sa inyo ang pagdurusang ipinangako sa inyo ay mananampalataya kayo sa sandaling hindi magpapakinabang sa isang kaluluwa ang pananampalataya nito kung hindi ito dating sumampalataya noong una pa? Mananampalataya ba kayo ngayon, samantalang kayo nga dati ay nagmamadali sa pagdurusa bago pa niyan bilang paraan ng pagpapasinungaling dito?"