Tunay na ang mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin at nalugod sa buhay na pangmundo at napanatag rito, at ang mga sa mga tanda Namin ay mga pabaya, Yūnus 10:7 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya ay hindi umaasa sa pakikipagkita kay Allāh para mangamba sila sa Kanya o mag-asam sila nito. Nalugod sila sa buhay na pangmundong maglalaho sa halip ng buhay na pangkabilang-buhay na mananatili. Natiwasay ang mga sarili nila rito bilang pagkatuwa rito. Ang mga pabaya sa mga tanda ni Allāh at mga patunay Niya ay mga umaayaw sa mga ito, na mga nalilingat.