Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 83 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 83 sa 109 • Tagalog


فَمَا آمَنَ لِمُوسَىٰ إِلَّا ذُرِّيَّةٌ مِنْ قَوْمِهِ عَلَىٰ خَوْفٍ مِنْ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِمْ أَنْ يَفْتِنَهُمْ ۚ وَإِنَّ فِرْعَوْنَ لَعَالٍ فِي الْأَرْضِ وَإِنَّهُ لَمِنَ الْمُسْرِفِينَ 83
Pagsasalin:
Ngunit walang naniwala kay Moises kundi ilang supling mula sa mga tao niya dala ng pangamba kay Paraon at sa konseho ng mga ito na mang-usig sa kanila. Tunay na si Paraon ay talagang nagmamataas sa lupain, at tunay na siya ay talagang kabilang sa mga nagpapakalabis. Yūnus 10:83
Tafsīr:
Nagpasya ang mga tao sa pag-ayaw kaya walang nagpatotoo kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa kabila ng inihatid niya na mga tandang hayag at mga katwirang maliwanag maliban sa mga kabataang kabilang sa mga tao niya, na mga anak ni Israel, sa kabila ng pangamba kina Paraon at mga malaking tao kabilang sa mga tao nito na maglihis ang mga ito sa kanila palayo sa pananampalataya nila at magpalasap ang mga ito sa kanila ng pagdurusa kung nabunyag ang kalagayan nila. Tunay na si Paraon ay talagang nagpapakamalaki na nangingibabaw sa Ehipto at mga mamamayan nito. Tunay na siya ay talagang kabilang sa mga lumalampas sa hangganan sa kawalang-pananampalataya, pagpapatay, at pagpapahirap sa mga anak ni Israel.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 82 Susunod Yūnus • Talata 84