Kaya nagsabi sila: “Kay Allāh ay nanalig kami. Panginoon namin, huwag Mo kaming gawin bilang pinag-uusig para sa mga taong tagalabag sa katarungan, Yūnus 10:85 ⧉
Tafsīr:
Kaya sumagot sila kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – saka nagsabi: "Kay Allāh lamang nanalig kami. Panginoon namin, huwag Mong pangibabawin sa amin ang mga tagalabag sa katarungan para umusig sila sa amin dahil sa relihiyon namin sa pamamagitan ng pagpapahirap, pagpatay, at panghahalina.