Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 9 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 9 sa 109 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ يَهْدِيهِمْ رَبُّهُمْ بِإِيمَانِهِمْ ۖ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهِمُ الْأَنْهَارُ فِي جَنَّاتِ النَّعِيمِ 9
Pagsasalin:
Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay nagpapatnubay sa kanila ang Panginoon nila dahil sa pananampalataya nila. Dadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog sa mga hardin ng kaginhawahan. Yūnus 10:9
Tafsīr:
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos ay nagtutustos sa kanila si Allāh ng kapatnubayan tungo sa gawang maayos na nagpapaabot sa kaluguran Niya dahilan sa pananampalataya nila. Pagkatapos magpapasok sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon sa mga hardin ng kaginhawahang mamamalagi habang dumadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 8 Susunod Yūnus • Talata 10