Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūnus — Talata 93 (Tagalog) — Bidyo

Yūnus • Talata 93 sa 109 • Tagalog


وَلَقَدْ بَوَّأْنَا بَنِي إِسْرَائِيلَ مُبَوَّأَ صِدْقٍ وَرَزَقْنَاهُمْ مِنَ الطَّيِّبَاتِ فَمَا اخْتَلَفُوا حَتَّىٰ جَاءَهُمُ الْعِلْمُ ۚ إِنَّ رَبَّكَ يَقْضِي بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فِيمَا كَانُوا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ 93
Pagsasalin:
Talaga ngang nagpatahan Kami sa mga anak ni Israel sa pinatatahanang angkop at nagtustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay saka hindi sila nagkasalungatan hanggang sa dumating sa kanila ang kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay maghuhusga sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon sa anumang dati silang nagkakaiba-iba hinggil doon. Yūnus 10:93
Tafsīr:
Talaga ngang nagpatuloy si Allāh sa mga anak ni Israel sa isang tuluyang napupuri at isang lugar na kinalulugdan sa pinagpalang bayan ng Shām. Nagtustos Siya sa kanila mula sa ipinahihintulot na kaaya-ayang bagay, saka hindi sila nagkaiba-iba sa usapin ng relihiyon hanggang sa dumating sa kanila ang Qur'ān bilang tagapatotoo sa nabasa nila sa Torah na katangian ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ngunit noong tumutol sila roon ay inagaw ang mga bayan nila. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay hahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon sa anumang dati silang nagkakaiba-iba hinggil doon para gumanti Siya sa nagsasakatotohanan at nagsasakabulaanan kabilang sa kanila dahil sa anumang nagiging karapat-dapat sa bawat isa mula sa dalawang [uring] ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūnus • Talata 92 Susunod Yūnus • Talata 94