Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 112 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 112 sa 123 • Tagalog


فَاسْتَقِمْ كَمَا أُمِرْتَ وَمَنْ تَابَ مَعَكَ وَلَا تَطْغَوْا ۚ إِنَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ 112
Pagsasalin:
Kaya maging matuwid ka gaya ng ipinag-utos sa iyo at sa sinumang nagbalik-loob kasama sa iyo. Huwag kayong magmalabis; tunay na Siya sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita. Hūd 11:112
Tafsīr:
Mamalagi ka sa pananatili sa daang tuwid, O Sugo, gaya ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh kaya sumunod ka sa mga ipinag-uutos Niya at umiwas ka sa mga sinasaway Niya. Magpakatuwid ang sinumang nagbalik-loob kasama sa iyo kabilang sa mga mananampalataya. Huwag kayong lumampas sa hangganan sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway; tunay na Siya sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 111 Susunod Hūd • Talata 113