Magpanatili ka ng pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon at sa bahagi ng gabi. Tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis sa mga masagwang gawa. Iyon ay isang paalaala para sa mga tagapag-alaala. Hūd 11:114 ⧉
Tafsīr:
Magpanatili ka, O Sugo, ng pagdarasal ayon sa pinakamagandang paraan sa dalawang dulo ng maghapon: ang simula ng maghapon at ang wakas nito. Magpanatili ka nito sa mga oras ng gabi. Tunay na ang mga gawang maayos ay pumapawi sa mga maliit ng mga pagkakasala. Ang nabanggit na iyon ay isang pangaral para sa mga napangangaralan at isang maisasaalang-alang para sa mga nagsasaalang-alang.