Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 12 sa 123 • Tagalog


فَلَعَلَّكَ تَارِكٌ بَعْضَ مَا يُوحَىٰ إِلَيْكَ وَضَائِقٌ بِهِ صَدْرُكَ أَنْ يَقُولُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ كَنْزٌ أَوْ جَاءَ مَعَهُ مَلَكٌ ۚ إِنَّمَا أَنْتَ نَذِيرٌ ۚ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ وَكِيلٌ 12
Pagsasalin:
Kaya baka ikaw ay mag-iiwan sa ilan sa ikinakasi sa iyo at pinaninikipan dahil dito ng dibdib mo na magsabi sila sa iyo: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang kayamanan o may dumating kasama sa kanya na isang anghel?” Ikaw ay isang mapagbabala lamang. Si Allāh sa bawat bagay ay Pinagkakatiwalaan. Hūd 11:12
Tafsīr:
Kaya baka ikaw, O Sugo, dahil sa nakaharap mo na kawalang-pananampalataya nila at pagmumungkahi nila ng mga talata, ay mag-iiwan sa pagpapaabot sa ilan sa ipinag-utos sa iyo ni Allāh na ipaabot, na nakabibigat sa kanila ang pagsasagawa niyon, at pinaninikipan ng dibdib mo sa pagpapaabot niyon? [Ito ay] upang hindi sila magsabi: "Bakit kaya walang pinababa sa kanya ng isang kayamanang magpapayaman sa kanya o may dumating kasama sa kanya na isang anghel na magpapatotoo sa kanya?" Kaya huwag kang mag-iwan sa ilan sa ikinakasi sa iyo alang-alang doon sapagkat Ikaw ay walang iba kundi isang mapagbabala: nagpapaabot ka ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh na ipaabot. Hindi tungkulin sa iyo ang pagsasagawa ng iminumungkahi nila na mga talata. Si Allāh sa bawat bagay ay Mapag-ingat.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 11 Susunod Hūd • Talata 13