Kaya kung hindi sila tumugon sa inyo, alamin ninyo na pinababa lamang [ang Qur’ān na] ito nang may kaalaman ni Allāh at na walang Diyos kundi Siya. Kaya kayo ba ay mga tagapagpasakop? Hūd 11:14 ⧉
Tafsīr:
Kaya kung hindi sila nagdala ng hiniling ninyo mula sa kanila dahil sa kawalan ng kakayahan nila roon, alamin ninyo, O mga mananampalataya, ayon sa kaalamang tiyak na ang Qur'ān ay pinababa lamang ni Allāh sa Sugo Niya nang may kaalaman Niya at hindi nilikha-likha, at alamin ninyo na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh. Kaya kayo ba ay mga nagpapaakay sa Kanya matapos ng mga kapani-paniwalang katwirang ito?