Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 18 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 18 sa 123 • Tagalog


وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا ۚ أُولَٰئِكَ يُعْرَضُونَ عَلَىٰ رَبِّهِمْ وَيَقُولُ الْأَشْهَادُ هَٰؤُلَاءِ الَّذِينَ كَذَبُوا عَلَىٰ رَبِّهِمْ ۚ أَلَا لَعْنَةُ اللَّهِ عَلَى الظَّالِمِينَ 18
Pagsasalin:
Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan? Ang mga iyon ay ilalahad sa Panginoon nila at magsasabi ang mga saksi: “Ang mga ito ay ang mga nagsinungaling laban sa Panginoon nila.” Pansinin, ang sumpa ni Allāh ay ukol sa mga tagalabag sa katarungan, Hūd 11:18
Tafsīr:
Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng katambal o anak sa Kanya. Ang mga lumilikha-likha ng kasinungalingan laban kay Allāh ay ilalahad sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon upang magtanong Siya sa kanila tungkol sa mga gawain nila at magsasabi ang mga saksi laban sa kanila kabilang sa mga anghel at mga isinugo: "Ang mga ito ay ang mga nagsinungaling laban kay Allāh sa pamamagitan ng iniugnay nila sa Kanya na katambal at anak." Pansinin, itinaboy ni Allāh mula sa awa Niya ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagsisinungaling laban kay Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 17 Susunod Hūd • Talata 19