Hindi ako nagsasabi sa inyo na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh. Hindi ako nakaaalam sa nakalingid. Hindi ako nagsasabi na tunay na ako ay isang anghel. Hindi ako nagsasabi sa mga hinahamak ng mga mata ninyo na hindi magbibigay sa kanila si Allāh ng isang mabuti. Si Allāh ay higit na maalam sa nasa mga sarili nila. Tunay na ako samakatuwid ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan [kung magsasabi ng gayon].” Hūd 11:31 ⧉
Tafsīr:
Hindi ako nagsasabi sa inyo, O mga tao ko, na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh, na nasa mga ito ang panustos Niya, na gugugulin ko ang mga ito sa inyo kung sumampalataya kayo. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay nakaaalam sa Lingid. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay kabilang sa mga anghel; bagkus ako ay isang tao tulad ninyo. Hindi ako nagsasabi tungkol sa mga maralitang nilalait ng mga mata ninyo at minamaliit ninyo na hindi magbibigay sa kanila si Allāh ng isang pagtutuon ni isang kapatnubayan. Si Allāh ay higit na maalam sa mga layunin nila at mga kalagayan nila. Tunay na ako, kung nag-angkin niyon, ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan, na mga nagiging karapat-dapat sa pagdurusa mula kay Allāh."