Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 34 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 34 sa 123 • Tagalog


وَلَا يَنْفَعُكُمْ نُصْحِي إِنْ أَرَدْتُ أَنْ أَنْصَحَ لَكُمْ إِنْ كَانَ اللَّهُ يُرِيدُ أَنْ يُغْوِيَكُمْ ۚ هُوَ رَبُّكُمْ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ 34
Pagsasalin:
Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagpapayo ko – kung nagnais ako na magpayo sa inyo – kung nangyaring si Allāh ay nagnanais na magpalisya sa inyo. Siya ay ang Panginoon ninyo, at tungo sa Kanya pababalikin kayo.” Hūd 11:34
Tafsīr:
Hindi magpapakinabang sa inyo ang payo ko at ang pagpapaalaala ko sa inyo kung nangyaring si Allāh ay nagnanais na magligaw sa inyo palayo sa landasing matuwid at magpabigo sa inyo sa pagkapatnubay dahilan sa pagmamatigas ninyo. Siya ay ang Panginoon ninyo sapagkat Siya ang nagmamay-ari sa nauukol sa inyo kaya magliligaw Siya sa inyo kung niloob Niya. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 33 Susunod Hūd • Talata 35