Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 40 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 40 sa 123 • Tagalog


حَتَّىٰ إِذَا جَاءَ أَمْرُنَا وَفَارَ التَّنُّورُ قُلْنَا احْمِلْ فِيهَا مِنْ كُلٍّ زَوْجَيْنِ اثْنَيْنِ وَأَهْلَكَ إِلَّا مَنْ سَبَقَ عَلَيْهِ الْقَوْلُ وَمَنْ آمَنَ ۚ وَمَا آمَنَ مَعَهُ إِلَّا قَلِيلٌ 40
Pagsasalin:
[Gayon nga] hanggang sa nang dumating ang utos Namin at nagsambulat [ng tubig] ang pugon ay nagsabi Kami: “Maglulan ka sa loob niyon ng mula sa bawat dalawang magkapares [na lalaki at babae], ng mag-anak mo – maliban sa nauna sa kanya ang hatol – at ng sinumang sumampalataya.” Walang sumampalataya kasama sa kanya kundi kaunti. Hūd 11:40
Tafsīr:
Winakasan ni Noe ang pagyari sa arkong ipinag-utos sa kanya ni Allāh na yariin. Hanggang sa nang dumating ang pasya Namin sa pagpapahamak sa kanila at sumambulat ang tubig mula sa pugon, na dati silang naghuhurno roon, bilang pagbibigay-alam sa simula ng gunaw ay nagsabi naman Kami kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Maglulan ka sa arko ng bawat uri ng hayop sa ibabaw ng lupa na dalawang magkapares: lalaki at babae. Maglulan ka ng mag-anak mo – maliban sa nauna sa kanya ang kahatulan na siya ay malulunod dahil sa kanyang pagiging hindi sumampalataya. Maglulan ka ng sinumang sumampalataya kabilang sa mga tao mo." Walang sumampalataya kasama sa kanya kundi kaunting bilang sa hinaba-haba ng yugtong nanatili siya roon na nag-aanyaya sa kanila sa pananampalataya kay Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 39 Susunod Hūd • Talata 41