Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 52 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 52 sa 123 • Tagalog


وَيَا قَوْمِ اسْتَغْفِرُوا رَبَّكُمْ ثُمَّ تُوبُوا إِلَيْهِ يُرْسِلِ السَّمَاءَ عَلَيْكُمْ مِدْرَارًا وَيَزِدْكُمْ قُوَّةً إِلَىٰ قُوَّتِكُمْ وَلَا تَتَوَلَّوْا مُجْرِمِينَ 52
Pagsasalin:
O mga kalipi ko, humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya, magsusugo Siya sa langit sa ibabaw ninyo ng masaganang [ulan] at magdaragdag Siya sa inyo ng lakas sa [dating] lakas ninyo. Huwag kayong tumalikod bilang mga salarin. Hūd 11:52
Tafsīr:
O mga kalipi ko, humiling kayo ng kapatawaran mula kay Allāh, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya mula sa mga pagkakasala ninyo – at ang pinakamalaki sa mga ito ay ang shirk – maggagantimpala Siya sa inyo roon sa pamamagitan ng pagpapababa ng maraming ulan at magdaragdag Siya sa inyo ng kapangyarihan sa [dating] kapangyarihan ninyo sa pamamagitan ng pagpaparami sa mga supling at mga yaman. Huwag kayong umayaw sa ipinaaanyaya ko sa inyo para kayo maging mga salarin dahil sa pag-ayaw ninyo sa paanyaya ko, kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh, at pagpapasinungaling ninyo sa inihatid ko.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 51 Susunod Hūd • Talata 53