Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 81 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 81 sa 123 • Tagalog


قَالُوا يَا لُوطُ إِنَّا رُسُلُ رَبِّكَ لَنْ يَصِلُوا إِلَيْكَ ۖ فَأَسْرِ بِأَهْلِكَ بِقِطْعٍ مِنَ اللَّيْلِ وَلَا يَلْتَفِتْ مِنْكُمْ أَحَدٌ إِلَّا امْرَأَتَكَ ۖ إِنَّهُ مُصِيبُهَا مَا أَصَابَهُمْ ۚ إِنَّ مَوْعِدَهُمُ الصُّبْحُ ۚ أَلَيْسَ الصُّبْحُ بِقَرِيبٍ 81
Pagsasalin:
Nagsabi sila: “O Lot, tunay na kami ay mga sugo ng Panginoon mo. Hindi sila aabot sa iyo, kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo sa isang bahagi ng gabi at huwag lilingon kabilang sa inyo ang isa man, maliban ang maybahay mo; tunay na tatama sa kanya ang tatama sa kanila. Tunay na ang tipanan nila [sa kapahamakan] ay sa umaga. Hindi ba ang umaga ay malapit na?” Hūd 11:81
Tafsīr:
Nagsabi ang mga anghel kay Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Lot, tunay na kami ay mga sugo na isinugo ni Allāh. Hindi makapagpapaabot sa iyo ang mga kababayan mo ng isang kasagwaan. Kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo mula sa pamayanang ito sa gabi sa isang madilim na oras. Huwag titingin ang isa sa inyo sa likuran niya, maliban ang maybahay mo; lilingon ito bilang pagsalungat dahil sasapit dito ang sasapit sa mga kababayan mo na pagdurusa. Tunay na ang tipanan ng pagpapahamak sa kanila ay ang umaga. Ito ay tipanang malapit na."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 80 Susunod Hūd • Talata 82