Nagsabi siya: “Tunay na ako ay talagang nalulungkot na umalis kayo kasama niya at nangangamba na kainin siya ng lobo habang kayo sa kanya ay mga nalilingat.” Yūsuf 12:13 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi si Jacob sa mga anak niya: "Tunay na ako ay talagang nalulungkot sa pag-alis ninyo kasama niya dahil ako ay hindi makatiis sa pagkahiwalay sa kanya at nangangamba para sa kanya na kainin siya ng lobo habang kayo ay mga nalilibang malayo sa kanya sa pagpapasasa at paglalaro."