Kaya noong umalis sila kasama niya at nagkaisa sila na maglagay sa kanya sa kailaliman ng balon, nagkasi Kami sa kanya: “Talagang magbabalita ka nga sa kanila hinggil sa kagagawan nilang ito samantalang sila ay hindi nakararamdam.” Yūsuf 12:15 ⧉
Tafsīr:
Kaya ipinadala siya ni Jacob kasama sa kanila. Kaya noong nakaalis sila kasama niya at nagpasya sila na itapon siya sa ilalim ng balon, nagkasi Kami kay Jose sa kalagayang ito: "Talagang magpapabatid ka nga sa kanila hinggil sa pinaggagawa nilang ito samantalang sila ay hindi nakararamdam sa iyo sa sandali ng pagpapabatid mo sa kanila."