Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 18 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 18 sa 111 • Tagalog


وَجَاءُوا عَلَىٰ قَمِيصِهِ بِدَمٍ كَذِبٍ ۚ قَالَ بَلْ سَوَّلَتْ لَكُمْ أَنْفُسُكُمْ أَمْرًا ۖ فَصَبْرٌ جَمِيلٌ ۖ وَاللَّهُ الْمُسْتَعَانُ عَلَىٰ مَا تَصِفُونَ 18
Pagsasalin:
Dumating sila kasama ng kamisa niya na may dugong huwad. Nagsabi siya: “Bagkus humalina sa inyo ang mga sarili ninyo sa isang bagay, kaya isang pagtitiis na marilag [ang pagtitiis ko]. Si Allāh ay ang pinagpapatulungan laban sa inilalarawan ninyo.” Yūsuf 12:18
Tafsīr:
Nagbigay-diin sila sa ulat nila sa pamamagitan ng isang panggugulang sapagkat naghatid sila ng kamisa ni Jose na nabahiran ng dugo na hindi dugo niya, habang mga nagpapaakala na ito ay bakas ng pagkakain ng lobo sa kanya. Ngunit nakatalos si Jacob – sa pamamagitan ng isang pahiwatig na ang damit ay hindi nagkapunit-punit – sa kasinungalingan nila, kaya nagsabi siya sa kanila: "Ang nangyari ay hindi gaya ng ipinabatid ninyo, bagkus nang-akit sa inyo ang mga sarili ninyo sa isang masagwang bagay na ginawa ninyo. Kaya ang nauukol sa akin ay isang pagtitiis na marilag, na walang panghihinawa rito. Si Allāh ay ang hinihilingan ng tulong laban sa binabanggit ninyo na nangyari kay Jose."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 17 Susunod Yūsuf • Talata 19