Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 24 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 24 sa 111 • Tagalog


وَلَقَدْ هَمَّتْ بِهِ ۖ وَهَمَّ بِهَا لَوْلَا أَنْ رَأَىٰ بُرْهَانَ رَبِّهِ ۚ كَذَٰلِكَ لِنَصْرِفَ عَنْهُ السُّوءَ وَالْفَحْشَاءَ ۚ إِنَّهُ مِنْ عِبَادِنَا الْمُخْلَصِينَ 24
Pagsasalin:
Talaga ngang nagbalak ito sa kanya; at nagbalak sana siya, kung sakaling hindi siya nakakita ng patotoo ng Panginoon niya. Gayon ay upang maglihis Kami palayo sa kanya ng kasagwaan at kahalayan. Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga itinatangi. Yūsuf 12:24
Tafsīr:
Talaga ngang napaibig ang sarili nito sa paggawa ng mahalay; at sumagi sa sarili ni Jose mismo iyon, kung sakaling hindi siya nakakita ng mula sa mga tanda ni Allāh, na pumipigil sa kanya roon at naglalayo sa kanya. Ipinakita nga sa kanya ni Allāh iyon upang alisin sa kanya ang kasagwaan at ilayo siya sa pangangalunya at pagtataksil. Tunay na si Jose ay kabilang sa mga lingkod ni Allāh na mga pinili para sa pagkasugo at pagkapropeta.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 23 Susunod Yūsuf • Talata 25