[Banggitin] noong nagsabi si Jose sa ama niya: “O ama ko, tunay na ako ay nakakita [sa panaginip] ng labing-isang tala, araw, at buwan; nakita ko sila na sa akin ay mga nakapatirapa.” Yūsuf 12:4 ⧉
Tafsīr:
Nagpapabatid Kami sa iyo, O Sugo, nang nagsabi si Jose sa ama niyang si Jacob: "O ama ko, tunay na ako ay nakakita sa panaginip ng labing-isang tala. Nakita ko ang araw at ang buwan; nakita ko ang lahat ng iyon na sa harap ko ay mga nakapatirapa." Ang panaginip na ito ay isang maagang balitang nakagagalak para kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.