Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 40 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 40 sa 111 • Tagalog


مَا تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِهِ إِلَّا أَسْمَاءً سَمَّيْتُمُوهَا أَنْتُمْ وَآبَاؤُكُمْ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ بِهَا مِنْ سُلْطَانٍ ۚ إِنِ الْحُكْمُ إِلَّا لِلَّهِ ۚ أَمَرَ أَلَّا تَعْبُدُوا إِلَّا إِيَّاهُ ۚ ذَٰلِكَ الدِّينُ الْقَيِّمُ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ 40
Pagsasalin:
Wala kayong sinasamba bukod pa sa Kanya kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagpababa si Allāh sa mga ito ng anumang katunayan. Walang iba ang paghahatol kundi ukol kay Allāh. Nag-utos Siya na huwag kayong sumamba kundi sa Kanya. Iyan ang relihiyong matuwid, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam. Yūsuf 12:40
Tafsīr:
Wala kayong sinasamba bukod pa kay Allāh kundi mga pangalan sa hindi mga pinangalanan, na tinawag ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo na mga diyos. Walang ukol sa mga ito na isang bahagi sa pagkadiyos. Hindi nagpababa si Allāh sa pagpapangalan ninyo sa mga ito ng katwirang nagpapatunay sa katumpakan ng mga ito. Walang iba ang paghahatol sa lahat ng mga nilikha kundi ukol kay Allāh lamang, hindi ukol sa mga pangalang ito na ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Nag-utos si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – na pakaisahin ninyo Siya sa pagsamba at sumaway Siya na magtambal kayo kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya. Ang paniniwala sa kaisahang iyon ay ang Relihiyong tuwid na walang kabaluktutan dito, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam niyon. Dahil doon, nagtatambal sila kay Allāh kaya sumasamba sila sa ilan sa mga nilikha Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 39 Susunod Yūsuf • Talata 41