Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 59 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 59 sa 111 • Tagalog


وَلَمَّا جَهَّزَهُمْ بِجَهَازِهِمْ قَالَ ائْتُونِي بِأَخٍ لَكُمْ مِنْ أَبِيكُمْ ۚ أَلَا تَرَوْنَ أَنِّي أُوفِي الْكَيْلَ وَأَنَا خَيْرُ الْمُنْزِلِينَ 59
Pagsasalin:
Noong nagkaloob siya sa kanila ng kailangan nila ay nagsabi siya: “Dalhin ninyo sa akin ang isang kapatid ninyo mula sa ama ninyo. Hindi ba kayo nakakikita na ako ay nagpapalubus-lubos ng pagtatakal at ako ay pinakamabuti sa mga tagapagpatuloy? Yūsuf 12:59
Tafsīr:
Noong nakapagbigay siya sa kanila ng hiniling nila na panlaang pagkain at baon ay nagsabi siya, matapos na nagpabatid sila sa kanya na mayroon silang isang kapatid sa ama nila na iniwan nila sa piling ng ama nito: "Dalhin ninyo sa akin ang kapatid ninyo mula sa ama ninyo, magdaragdag ako sa inyo ng isang pasan ng kamelyo. Hindi ba ninyo nakikita na ako ay nagpapakumpleto ng pagtatakal at hindi kumukulang nito, at ako ay pinakamabuti sa mga tagatanggap ng panauhin?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 58 Susunod Yūsuf • Talata 60