Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 6 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 6 sa 111 • Tagalog


وَكَذَٰلِكَ يَجْتَبِيكَ رَبُّكَ وَيُعَلِّمُكَ مِنْ تَأْوِيلِ الْأَحَادِيثِ وَيُتِمُّ نِعْمَتَهُ عَلَيْكَ وَعَلَىٰ آلِ يَعْقُوبَ كَمَا أَتَمَّهَا عَلَىٰ أَبَوَيْكَ مِنْ قَبْلُ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْحَاقَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ عَلِيمٌ حَكِيمٌ 6
Pagsasalin:
Gayon naghahalal sa iyo ang Panginoon mo, nagtuturo sa iyo ng pagpapakahulugan ng mga panaginip, at naglulubos ng biyaya Niya sa iyo at sa mag-anak ni Jacob kung paanong naglubos Siya nito sa dalawang ninuno mo, bago pa niyan, na sina Abraham at Isaac. Tunay na ang Panginoon mo ay Maalam, Marunong. Yūsuf 12:6
Tafsīr:
Gaya ng pagkakita mo sa panaginip na iyon, pipiliin ka, O Jose, ng Panginoon mo, ituturo Niya sa iyo ang paghahayag sa mga panaginip, at lulubusin Niya ang biyaya Niya sa iyo sa pamamagitan ng pagkapropeta gaya ng paglubos Niya sa biyaya Niya sa dalawang ninuno mo, bago mo pa, na sina Abraham at Isaac. Tunay na ang Panginoon mo ay Maalam sa paglikha Niya, Marunong sa pangangasiwa Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 5 Susunod Yūsuf • Talata 7