Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 68 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 68 sa 111 • Tagalog


وَلَمَّا دَخَلُوا مِنْ حَيْثُ أَمَرَهُمْ أَبُوهُمْ مَا كَانَ يُغْنِي عَنْهُمْ مِنَ اللَّهِ مِنْ شَيْءٍ إِلَّا حَاجَةً فِي نَفْسِ يَعْقُوبَ قَضَاهَا ۚ وَإِنَّهُ لَذُو عِلْمٍ لِمَا عَلَّمْنَاهُ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ 68
Pagsasalin:
Noong nakapasok sila mula sa kung saan ipinag-utos sa kanila ng ama nila, hindi nangyaring nagdudulot ito sa kanila laban kay Allāh ng anuman maliban ng isang pangangailangan sa sarili ni Jacob, na tinugon niya. Tunay na siya ay talagang may kaalaman dahil sa naituro Namin sa kanya, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam. Yūsuf 12:68
Tafsīr:
Kaya lumisan sila at kasama sa kanila ang kapatid na buo ni Jose. Noong nakapasok sila mula sa mga pintuang magkakaiba-iba, gaya ng ipinag-utos sa kanila ng ama nila, hindi nangyaring nakapagtanggol sa kanila ang pagpasok nila mula sa mga pintong magkakaiba-iba laban sa anumang kabilang sa itinakda ni Allāh sa kanila. Iyon lamang ay bahagi ng awa ni Jacob sa mga anak niya, na inihayag niya at itinagubilin niya sa kanila. Siya ay nakaaalam na walang pagtatadhana maliban sa pagtatadhana ni Allāh sapagkat siya ay nakaaalam sa itinuro ni Allāh sa kanya na pananampalataya sa pagtatakda at paggawa ng mga kadahilanan, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam niyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 67 Susunod Yūsuf • Talata 69