Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 70 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 70 sa 111 • Tagalog


فَلَمَّا جَهَّزَهُمْ بِجَهَازِهِمْ جَعَلَ السِّقَايَةَ فِي رَحْلِ أَخِيهِ ثُمَّ أَذَّنَ مُؤَذِّنٌ أَيَّتُهَا الْعِيرُ إِنَّكُمْ لَسَارِقُونَ 70
Pagsasalin:
Kaya noong nagkaloob siya sa kanila ng kailangan nila ay inilagay niya ang inuman sa sisidlan ng kapatid niya. Pagkatapos nanawagan ang isang tagapanawagan: “O karaban, tunay na kayo ay talagang mga magnanakaw.” Yūsuf 12:70
Tafsīr:
Kaya noong nakapag-utos si Jose sa mga tagapaglingkod niya ng pagkarga ng pagkain sa mga kamelyo ng mga kapatid niya, inilagay niya ang pantakal ng hari na ipinantatakal sa pagkain para sa mga mamimili ng pagkain sa lalagyan ng kapatid niyang buo nang walang kaalaman nila upang magtagumpay sa pagpapanatili rito kasama sa kanya. Noong nakalisan sila pauwi sa mag-anak nila ay may nanawagang isang tagapanawagang nakasunod sa bakas nila: "O mga may-ari ng mga kamelyong kinargahan ng mga panustos, tunay na kayo ay talagang mga magnanakaw."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 69 Susunod Yūsuf • Talata 71