Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 80 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 80 sa 111 • Tagalog


فَلَمَّا اسْتَيْأَسُوا مِنْهُ خَلَصُوا نَجِيًّا ۖ قَالَ كَبِيرُهُمْ أَلَمْ تَعْلَمُوا أَنَّ أَبَاكُمْ قَدْ أَخَذَ عَلَيْكُمْ مَوْثِقًا مِنَ اللَّهِ وَمِنْ قَبْلُ مَا فَرَّطْتُمْ فِي يُوسُفَ ۖ فَلَنْ أَبْرَحَ الْأَرْضَ حَتَّىٰ يَأْذَنَ لِي أَبِي أَوْ يَحْكُمَ اللَّهُ لِي ۖ وَهُوَ خَيْرُ الْحَاكِمِينَ 80
Pagsasalin:
Kaya noong nawalan sila ng pag-asa sa kanya, bumukod sila na nagsasanggunian. Nagsabi ang matanda nila: “Hindi ba kayo nakaalam na ang ama ninyo ay tumanggap nga sa inyo ng isang taimtim na pangako kay Allāh at bago pa niyan nagwalang-bahala kayo kay Jose? Kaya hindi ako mag-iiwan sa lupain hanggang sa magpahintulot sa akin ang ama ko o humatol si Allāh sa akin, at Siya ay ang pinakambuti sa mga tagahatol. Yūsuf 12:80
Tafsīr:
Kaya noong nawalan sila ng pag-asa sa pagtugon ni Jose sa hiling nila, nagsarilinan sila palayo sa mga tao para magsanggunian. Nagsabi ang kapatid nilang matanda: "Nagpapaalaala ako sa inyo na ang ama ninyo ay tumanggap sa inyo ng pangako kay Allāh, na nagbibigay-diin na magsauli kayo sa kanya ng anak niya malibang pumalibot sa inyo ang hindi ninyo nakakayang pigilin. Bago pa niyon, nagwalang-bahala nga kayo kaugnay kay Jose at hindi kayo tumupad sa pangako ninyo sa ama ninyo kaugnay kay Jose. Kaya hindi ako mag-iiwan sa Lupain ng Ehipto hanggang sa magpahintulot sa akin ang ama ko na bumalik sa kanya o humusga si Allāh sa akin ng pagkuha sa kapatid ko. Si Allāh ay ang pinakambuti sa mga tagahusga sapagkat Siya ay humuhusga ayon sa katotohanan at katarungan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 79 Susunod Yūsuf • Talata 81