Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 88 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 88 sa 111 • Tagalog


فَلَمَّا دَخَلُوا عَلَيْهِ قَالُوا يَا أَيُّهَا الْعَزِيزُ مَسَّنَا وَأَهْلَنَا الضُّرُّ وَجِئْنَا بِبِضَاعَةٍ مُزْجَاةٍ فَأَوْفِ لَنَا الْكَيْلَ وَتَصَدَّقْ عَلَيْنَا ۖ إِنَّ اللَّهَ يَجْزِي الْمُتَصَدِّقِينَ 88
Pagsasalin:
Kaya noong nakapasok sila sa kanya ay nagsabi sila: “O makapangyarihan, sumaling sa amin at sa mag-anak namin ang kapinsalaan at naghatid kami ng panindang mababang uri, ngunit magpalubus-lubos ka po para sa amin ng pagtatakal at magkawanggawa ka po sa amin; tunay na si Allāh ay gumaganti sa mga tagapagkawanggawa.” Yūsuf 12:88
Tafsīr:
Kaya sumunod sila sa utos ng ama nila at umalis sila para maghanap kay Jose at sa kapatid niya. Kaya noong nakapasok sila kay Jose ay nagsabi sila: "Dumapo sa amin ang kagipitan at ang karalitaan. Nagdala kami ng panindang hamak na kakarampot, ngunit magtakal ka po para sa amin ng pagtatakal na lubus-lubos gaya ng pagtatakal mo noon para sa amin bago pa nito. Magkawanggawa ka po sa amin sa pamamagitan ng pagdaragdag doon o pagpipikit-mata sa [kalidad ng] paninda naming hamak; tunay na si Allāh ay gumaganti sa mga tagapagkawanggawa ayon sa pinakamagandang ganti."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 87 Susunod Yūsuf • Talata 89