Noong nakalisan ang karaban ay nagsabi ang ama nila: “Tunay na ako ay talagang nakadarama ng halimuyak ni Jose, kung sakaling hindi kayo magturing ng pagkaulyanin sa akin.” Yūsuf 12:94 ⧉
Tafsīr:
Noong nakalabas ang karaban paalis ng Ehipto at humiwalay ito sa kabihasnan mula roon ay nagsabi si Jacob – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga anak niya at sinumang nasa piling niya sa lupain niya: "Tunay na ako ay talagang nakaamoy ng amoy ni Jose, kung sakaling hindi kayo nagtuturing ng pagkamangmang sa akin at nag-uugnay sa akin sa pagkahukluban sa pamamagitan ng pagsabi ninyo: Ito ay matandang hukluban, na nagsasabi ng hindi niya nalalaman."