Nagsabi siya: “Hihingi ako ng tawad para sa inyo sa Panginoon ko; tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.” Yūsuf 12:98 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi sa kanila ang ama nila: "Hihiling ako para sa inyo ng kapatawaran mula sa Panginoon ko; tunay na Siya ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga nagbabalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila."