Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 17 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 17 sa 43 • Tagalog


أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَسَالَتْ أَوْدِيَةٌ بِقَدَرِهَا فَاحْتَمَلَ السَّيْلُ زَبَدًا رَابِيًا ۚ وَمِمَّا يُوقِدُونَ عَلَيْهِ فِي النَّارِ ابْتِغَاءَ حِلْيَةٍ أَوْ مَتَاعٍ زَبَدٌ مِثْلُهُ ۚ كَذَٰلِكَ يَضْرِبُ اللَّهُ الْحَقَّ وَالْبَاطِلَ ۚ فَأَمَّا الزَّبَدُ فَيَذْهَبُ جُفَاءً ۖ وَأَمَّا مَا يَنْفَعُ النَّاسَ فَيَمْكُثُ فِي الْأَرْضِ ۚ كَذَٰلِكَ يَضْرِبُ اللَّهُ الْأَمْثَالَ 17
Pagsasalin:
Nagpababa Siya mula sa langit ng tubig kaya umagos ang mga lambak ayon sukat ng mga ito saka nagdala ang agos ng bulang pumapaibabaw. Mula sa bagay na nagpapaningas sila rito sa apoy dala ng paghahangad sa mga hiyas at kagamitan ay may bulang tulad niyon. Gayon naglalahad si Allāh ng katotohanan at kabulaanan. Kaya hinggil sa bula, naglalaho ito bilang patapon; at hinggil naman sa nagpapakinabang sa mga tao, nananatili ito sa lupa. Gayon naglalahad si Allāh ng mga paghahalintulad. Ar-Ra‘d 13:17
Tafsīr:
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad para sa paglaho ng kabulaanan at pananatili ng katotohanan sa pamamagitan ng tubig ng ulan na bumababa mula sa langit hanggang sa umagos dahil dito ang mga lambak: bawat isa ay ayon sa sukat nito sa liit at laki, saka nagdala ang agos ng yagit at latak na nakaangat sa ibabaw ng tubig. Naglahad Siya ng iba pang paghahalintulad para sa dalawang ito sa pamamagitan ng ilan sa pinagpapaningasan ng mga tao na mga metal na mamahalin dala ng paghahangad ng paglusaw sa mga ito at pagyari ng ipinanggagayak ng mga tao sapagkat tunay na may pumapaibabaw dito na bula mula rito kung paanong may pumapaibabaw doon na bula mula roon. Sa pamamagitan ng dalawang paghahalintulad na ito, naglalahad si Allāh ng paghahalintulad ng katotohanan at kabulaanan sapagkat ang kabulaanan ay tulad ng yagit at bulang lumulutang sa tubig at tulad ng itinatapon ng paglusaw ng metal na kalawang at ang katotohanan naman ay tulad ng tubig na puro na iniinuman at nagpapatubo ng mga bunga, halaman, at damo at tulad ng natira mula sa metal matapos ng paglusaw nito para makinabang ang mga tao rito. Gaya ng paglalahad ni Allāh sa dalawang paghahalintulad na ito, naglalahad si Allāh ng mga paghahalintulad para sa mga tao upang lumiwanag ang katotohanan mula sa kabulaanan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 16 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 18