“Kapayapaan ay sumainyo dahil nagtiis kayo sapagkat kay inam ang [magandang] pinakakahihinatnan sa tahanan!” Ar-Ra‘d 13:24 ⧉
Tafsīr:
Babati sa kanila ang mga anghel tuwing pumapasok ang mga ito sa kanila sa pamamagitan ng pagsabi ng mga ito: "Kapayapaan ay sumainyo!" Nangangahulugan ito: "Naligtas kayo sa mga mapanira dahilan sa pagtitiis ninyo sa pagtalima kay Allāh at sa pait ng mga itinakda niya at sa pagtitiis ninyo sa [pag-iwas sa] pagsuway sa Kanya. Kaya kay inam ang kahihinatnan sa tahanan na naging kinahinatnan ninyo!"