Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, kagalakan ay ukol sa kanila at isang kagandahan ng kauuwian. Ar-Ra‘d 13:29 ⧉
Tafsīr:
Itong mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos na nagpapalapit sa kanila kay Allāh, ukol sa kanila ay isang pamumuhay na kaaya-aya sa Kabilang-buhay at ukol sa kanila ay ang kahihinatnang maganda, ang Paraiso.