Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 21 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 21 sa 52 • Tagalog


وَبَرَزُوا لِلَّهِ جَمِيعًا فَقَالَ الضُّعَفَاءُ لِلَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا إِنَّا كُنَّا لَكُمْ تَبَعًا فَهَلْ أَنْتُمْ مُغْنُونَ عَنَّا مِنْ عَذَابِ اللَّهِ مِنْ شَيْءٍ ۚ قَالُوا لَوْ هَدَانَا اللَّهُ لَهَدَيْنَاكُمْ ۖ سَوَاءٌ عَلَيْنَا أَجَزِعْنَا أَمْ صَبَرْنَا مَا لَنَا مِنْ مَحِيصٍ 21
Pagsasalin:
Tatambad sila kay Allāh nang lahatan at magsasabi ang mga mahina sa mga nagmalaki: “Tunay na kami noon sa inyo ay tagasunod, kaya kayo kaya ay makapagdudulot sa amin ng anuman laban sa pagdurusang dulot ni Allāh?” Magsasabi ang mga iyon: “Kung sakaling nagpatnubay sa amin si Allāh ay talaga sanang nagpatnubay kami sa inyo. Magkapantay sa atin kung naligalig tayo o nagtiis tayo; walang ukol sa atin na anumang mapupuslitan.” Ibrāhīm 14:21
Tafsīr:
Lalabas ang mga nilikha mula sa mga libingan nila patungo kay Allāh sa Araw ng Tipanan at magsasabi ang mga tagasunod na mahina sa mga pinunong pangulo: "Tunay na kami noon sa inyo, O mga pinuno, ay mga tagasunod: nagpapautos kami sa utos ninyo at nagpapasaway kami sa saway ninyo, kaya kayo ba ay magsasanggalang sa amin ng anuman laban sa pagdurusa mula kay Allāh?" Magsasabi ang mga pinunong pangulo: "Kung sakaling nagtuon sa amin si Allāh sa kapatnubayan ay talaga sanang gumabay kami sa inyo roon at naligtas tayo nang sama-sama mula sa pagdurusa mula sa Kanya, subalit naligaw kami kaya nagpaligaw kami sa inyo. Magkakapantay sa amin at sa inyo na manghina tayo sa pagbata sa pagdurusa o na magtiis tayo; walang tayong matatakasan mula sa pagdurusa."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 20 Susunod Ibrāhīm • Talata 22