Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 34 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 34 sa 52 • Tagalog


وَآتَاكُمْ مِنْ كُلِّ مَا سَأَلْتُمُوهُ ۚ وَإِنْ تَعُدُّوا نِعْمَتَ اللَّهِ لَا تُحْصُوهَا ۗ إِنَّ الْإِنْسَانَ لَظَلُومٌ كَفَّارٌ 34
Pagsasalin:
Nagbigay Siya sa inyo ng bawat hiningi ninyo. Kung magbibilang kayo ng biyaya ni Allāh ay hindi kayo makapag-iisa-isa sa mga ito. Tunay na ang tao ay talagang mapaglabag sa katarungan, palatangging sumampalataya. Ibrāhīm 14:34
Tafsīr:
Nagbigay Siya sa inyo ng lahat ng hiniling ninyo at ng hindi ninyo hiniling. Kung magbibilang kayo ng biyaya ni Allāh ay hindi kayo makakakaya sa paglilimita sa mga ito dahil sa dami ng mga ito at pagkasarisari ng mga ito at hindi Siya bumanggit sa inyo ng mga halimbawa kabilang sa mga ito. Tunay na ang tao ay talagang mapaglabag sa katarungan sa sarili niya, madalas ang pagkakaila sa mga biyaya ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 33 Susunod Ibrāhīm • Talata 35