Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 44 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 44 sa 52 • Tagalog


وَأَنْذِرِ النَّاسَ يَوْمَ يَأْتِيهِمُ الْعَذَابُ فَيَقُولُ الَّذِينَ ظَلَمُوا رَبَّنَا أَخِّرْنَا إِلَىٰ أَجَلٍ قَرِيبٍ نُجِبْ دَعْوَتَكَ وَنَتَّبِعِ الرُّسُلَ ۗ أَوَلَمْ تَكُونُوا أَقْسَمْتُمْ مِنْ قَبْلُ مَا لَكُمْ مِنْ زَوَالٍ 44
Pagsasalin:
Magbabala ka sa mga tao ng isang araw na pupunta sa kanila ang pagdurusa kaya magsasabi ang mga lumabag sa katarungan [dahil sa kawalang-pananampalataya]: “Panginoon namin, mag-antala Ka sa amin hanggang sa isang taning na malapit, sasagot kami sa paanyaya Mo at susunod kami sa mga sugo Mo.” [Magsasabi si Allāh:] “Hindi ba nangyaring kayo ay sumumpa bago pa niyan na wala kayong anumang pagtigil [sa buhay sa Mundo]? Ibrāhīm 14:44
Tafsīr:
Magpangamba ka, O Sugo, sa kalipunan mo ng pagdurusang dulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon kaya magsasabi sa sandaling iyon ang mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya: "O Panginoon namin, mag-antala Ka sa amin, mag-antala Ka sa amin ng pagdurusa, at magsauli Ka sa amin sa Mundo sa isang madaling yugto; sasampalataya kami sa Iyo at susunod kami sa mga sugong ipinadala Mo sa amin." Kaya sasagutin sila bilang pagtuligsa sa kanila: "Hindi ba nangyaring kayo ay sumumpa sa [panahon ng] buhay na pangmundo na kayo ay walang paglipat mula sa buhay na pangmundo patungo sa Kabilang-buhay habang mga nagkakaila sa pagbubuhay matapos ng kamatayan?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 43 Susunod Ibrāhīm • Talata 45