Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 48 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 48 sa 52 • Tagalog


يَوْمَ تُبَدَّلُ الْأَرْضُ غَيْرَ الْأَرْضِ وَالسَّمَاوَاتُ ۖ وَبَرَزُوا لِلَّهِ الْوَاحِدِ الْقَهَّارِ 48
Pagsasalin:
Sa Araw na papalitan ang lupa ng ibang lupa at ang mga langit, at lalantad sila kay Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig. Ibrāhīm 14:48
Tafsīr:
Ang paghihiganting ito sa mga tagatangging sumampalataya ay mangyayari sa Araw ng Pagbangon, sa araw na papalitan ang lupang ito ng isang iba pang lupang puting dalisay, papalitan ang mga langit ng mga langit na iba sa mga ito, at lilitaw ang mga tao mula sa mga libingan nila kasama ng mga katawan nila at mga gawa nila para tumindig sa harap ni Allāh, ang namumukod-tangi sa paghahari Niya at kadakilaan Niya, ang Palalupig na lumulupig at hindi nalulupig, at dumadaig at hindi nadadaig.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 47 Susunod Ibrāhīm • Talata 49