Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 52 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 52 sa 52 • Tagalog


هَٰذَا بَلَاغٌ لِلنَّاسِ وَلِيُنْذَرُوا بِهِ وَلِيَعْلَمُوا أَنَّمَا هُوَ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ وَلِيَذَّكَّرَ أُولُو الْأَلْبَابِ 52
Pagsasalin:
Ito ay isang pagpapaabot para sa mga tao at upang mapagbalaan sila sa pamamagitan nito, upang makaalam sila na Siya ay Diyos na nag-iisa lamang, at upang magsaalaala ang mga may isip. Ibrāhīm 14:52
Tafsīr:
Ang Qur'ān na ito na ibinaba kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isang pagbibigay-alam mula kay Allāh patungo sa mga tao. [Ito ay] upang pangambahin sila sa pamamagitan ng taglay nito na pagpapangilabot at matinding banta, upang makaalam sila na ang sinasamba ayon sa karapatan ay si Allāh lamang para sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng isa man, at upang mapangaralan sila sa pamamagitan nito at magsaalang-alang ang mga nagtataglay ng mga matinong pag-iisip dahil sila ay ang nakikinabang sa mga pangaral at mga isinasaalang-alang.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 51 Susunod Al-Ḥijr • Talata 1