Talaga ngang nagsugo Kami bago mo pa sa mga kampihan ng mga sinauna. Al-Ḥijr 15:10 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang nagpadala Kami bago mo pa, O Sugo, ng mga sugo sa mga naunang lipon ng kawalang-pananampalataya ngunit nagpasinungaling ang mga iyon sa kanila, kaya ikaw ay hindi isang kauna-unahan sa mga sugo sa pagpapasinungaling ng kalipunan mo sa iyo.