Hindi sila sumasampalataya rito [sa Qur’ān] samantalang lumipas na ang kalakaran sa mga sinauna. Al-Ḥijr 15:13 ⧉
Tafsīr:
Hindi sila sumasampalataya sa Qur'ān na ito na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – samantalang nagdaan na ang kalakaran ni Allāh sa pagpapahamak sa mga tagapagpasinungaling sa inihatid ng mga sugo nila, kaya magsaalang-alang ang mga tagapagpasinungaling sa iyo.