Ang lupa, bumanat Kami nito, naglapat Kami rito ng mga matatag na bundok, at nagpatubo Kami rito ng bawat bagay na balanse. Al-Ḥijr 15:19 ⧉
Tafsīr:
Ang lupa, naglatag Kami nito upang mamalagi ang mga tao sa ibabaw nito, naglagay Kami rito ng mga bundok na matatag upang hindi gumalaw-galaw ito kasama ng mga tao, at nagpatubo Kami rito ng lahat ng mga uri ng halaman na itinakda at tinakdaan ayon sa hinihiling ng karunungan.