Nagsugo Kami ng mga hangin bilang mga tagapagsemilya at nagpababa Kami mula sa langit ng tubig kaya nagpainom Kami sa inyo nito samantalang kayo para rito ay hindi mga tagapag-imbak. Al-Ḥijr 15:22 ⧉
Tafsīr:
Nagsugo Kami ng mga hangin na nagsesemilya sa mga ulap saka nagpababa Kami ng ulan mula sa mga ulap na nasemilyahan kaya nagpainom Kami sa inyo mula sa tubig ng ulan samantalang hindi kayo, O mga tao, mga tagapag-imbak para sa tubig na ito sa lupa upang maging mga bukal at mga balon. Tanging si Allāh ay ang nag-iimbak nito rito.