Tunay na ang Panginoon mo ay kakalap sa kanila [para gantihan]. Tunay na Siya ay Marunong, Maalam. Al-Ḥijr 15:25 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay kakalap sa kanila sa kalahatan sa Araw ng Pagbangon upang gumanti Siya sa tagagawa ng maganda dahil sa paggawa nito ng maganda at sa tagagawa ng masagwa dahil sa paggawa nito ng masagwa. Tunay na Siya ay Marunong sa pangangasiwa Niya, Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman.