[Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: “Tunay na Ako ay lilikha ng isang mortal mula sa kumakalansing na luwad mula sa burak na inanyuan.” Al-Ḥijr 15:28 ⧉
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel at kay Satanas, na dati siyang kasama sa kanila: "Tunay na Ako ay lilikha ng isang mortal mula sa tuyong putik, na may tunog kung pinitik, na itim, na nagbago ang amoy."