Tunay na noon ang mga naninirahan sa kasukalan [ng Midyan] ay talagang mga tagalabag sa katarungan. Al-Ḥijr 15:78 ⧉
Tafsīr:
Noon nga ang mga kalipi ni Shu`ayb na mga naninirahan sa pamayanang may mga punong nagsisiksikan ay mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa sugo Niyang si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.